
Puno ng matitinding eksena ang bagong afternoon drama series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Sa ini-irelease na exclusive video ng GMA Drama at GMA Network online kahapon, January 31, mapapanood ang isa sa actual scenes ng episode 11 ng nasabing serye, kung saan inamin na ni Chynna (Elijah Alejo) sa mga nakatatanda niyang kapatid na sina Celine (Lexi Gonzales) at Carrie (Hailey Mendes) ang ginawang pang-aabuso sa kanya ni Leo (Nikki Co).
Matapos ito, ipinakita naman ang nangyari behind-the-scenes matapos ang naturang eksena. Napayakap nang mahigpit sa isa't isa sina Lexi, Elijah, at Hailey dahil sa kanilang mabigat na eksena bilang magkakapatid.
Sa ngayon, umani na ng mahigit 45,000 views ang online exclusive video na ito sa official Facebook page ng GMA Drama.
Abangan ang matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: