GMA Logo lexi gonzales elijah alejo hailey mendes
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes share what to expect in 'Underage'

By Dianne Mariano
Published January 4, 2023 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

lexi gonzales elijah alejo hailey mendes


Bibida sina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes bilang Serrano sisters sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Underage.'

Isa sa mga bagong mapapanood tuwing hapon ngayong 2023 ay ang nalalapit na GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Gaganap ang tatlong aktres bilang ang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).

Sa recent guesting ng Kapuso stars sa Mornings with GMA Regional TV, ibinahagi nila ang kanilang mga ipinagpapasalamat noong 2022.

Lubos na nagpapasalamat si Lexi na naging bahagi siya ng reality-game show na Running Man Philippines, na umere ang season finale noong Disyembre, at ng Underage.

“Marami pong blessings na dumating sa akin. Isa na po ro'n ang Underage and, of course, my sisters [Elijah Alejo and Hailey Mendes]. So isa 'yon sa number one na pinagpapasalamat ko [at] Running Man Philippines,” ani Lexi.

Marami ring ipinagpapasalamat si Elijah para sa taong 2022 tulad ng pagiging bahagi ng Underage at ang dati niyang teleserye na Prima Donnas Season 2, kung saan gumanap siya bilang si Brianna.

Thankful din ang teen actress dahil nanatiling ligtas ang kanyang pamilya noong pandemya.

Aniya, “Dahil po sa Underage, naka-bonding ko po ang mga kapatid ko and naka-work ko po sina Tita Sunshine [Cruz], Tita Snooky [Serna], Kuya Christian [Vasquez]. So may mga natutunan din po akong bago sa kanila and s'yempre po 'yung safety ng buong family ko na kahit kailan po hindi kami nagka-COVID. Thank God."

Samantala, masaya naman si Hailey sa good health ng kanyang pamilya at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nagtiwala sa kanya na maging bahagi ng Underage.

“Nagpapasalamat ako dahil hindi po nagkaka-COVID 'yung family ko roon sa probinsya. Thank you ulit kay Mommy Jasmine, Boss Vic, sa Underage. Ito po 'yung first big break ko kaya sana po magtagumpay ang resulta. Maraming salamat po sa mga nagtiwala sa akin,” saad niya.

Nagbigay din ng patikim sila Lexi, Elijah, at Hailey sa mga dapat abangan sa kanilang nalalapit na serye.

Kuwento ni Lexi, “Maiintriga talaga kayo, hindi niyo alam kung ano 'yung mangyayari next. Kasi kahit kami, shooting the whole show, hindi namin in-e-expect 'yung mga susunod na eksena. At saka minsan, kung ano 'yung nasa script, mas matindi pa 'yung nagagawa namin.

“So kami rin nasu-surprise sa isa't isa. 'Yun 'yung dapat abangan ng viewers, kung gaano katindi 'yung mga sorpresa na inihanda namin para sa inyo."

Ayon kay Elijah, ipapakita rin sa Underage ang pagmamahal at pagiging matatag ng pamilya.

Aniya, “Pinapakita kasi sa Underage 'yung bond ng family, 'yung bond naming magkakapatid kung paano namin papatatagin ang isa't isa through hard times."

Dagdag naman ni Hailey na maraming makaka-relate sa kanilang pinagbibidahang serye dahil isa rin sa mga mapag-uusapan sa Underage ay ang social media.

“Pagsubok, pamilya, at marami pa pong iba. Tungkol sa social media rin, ayan po ang isa sa ita-tackle rin ng Underage. Kaya, for sure, millennials, Gen Z, makaka-relate talaga kayo,” pagbabahagi niya.

Abangan ang Underage ngayong January 16, 2023 sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN SI LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO: