
Si Kapuso actress Lexi Gonzales ang bibida sa bagong episode ng Magpakailanman.
Gaganap siya bilang Milet, babaeng buong buhay niyang nakaranas ng pagmamalupit sa "My Mother, My Abuser."
Masaya ang pamilya ni Milet noong una pero magsisimula ang pananakit sa kanya ng nanay niya noong abandonahin sila ng kanyang ama.
Bukod sa physical abuse, verbally at emotionally abusive din ang nanay ni Milet.
Gayunpaman, hindi pa rin niya magawang iwan ito noong tumanda na siya.
Magiging maayos pa ba ang relasyon ng mag-ina?
Bukod kay Lexi, bahagi din ng episode sina John Vic de Guzman, Patricia Tumulak, Maricar de Mesa, at Dominic Ochoa.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "My Mother, My Abuser," November 8, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.