
Inilabas na kamakailan ang GMA Station ID 2025: Forever One With The Filipino at tampok dito ang iba't ibang Kapuso stars at personalities.
Kabilang dito ay ang Sparkle actress at Cruz vs. Cruz star na si Lexi Gonzales.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Lexi, sinabi ng aktres na proud siyang maging isang Kapuso dahil sa mga quality content at programa na ginagawa ng GMA para sa mga manonood.
“What makes me proud to be Kapuso is our passion and craft to create good content and good shows para sa ating mga kababayan,” pagbabahagi niya.
Ikinuwento rin ng StarStruck Season 7 First Princess ang pinakatumatak na project na nagawa niya para sa Kapuso network.
Aniya, “Running Man Philippines kasi naka-build ako ng family within a show. I met new friends, good core friends. At saka bukod pa doon, bagong experiences e na hindi mo makikita sa iba, talagang genuinely Kapuso, purely Kapuso. And proud ako na nakagawa kami ng something so creative, something so unique as Running Man [Philippines].”
Matapos hirangin si Lexi bilang First Princess sa seventh season ng StarStruck, naging bahagi na siya ng iba't ibang Kapuso shows gaya ng All Out Sundays, Love You Stranger, Underage, Running Man Philippines, at iba pa.
Kasalukuyang napapanood si Lexi Gonzales bilang Andrea sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG GMA STATION ID: FOREVER ONE WITH THE FILIPINO SA GALLERY NA ITO: