What's on TV

Lexi Gonzales, mas malambing daw kaysa kay Kim de Leon?

By Dianne Mariano
Published September 10, 2021 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales and Kim de Leon


Ayon kay Kapuso star Lexi Gonzales, siya raw ang mas malambing at sweet sa kanila ni Kim de Leon. Alamin ang kuwento ng #KimLex dito:

Isang nakakatuwa at nakakakilig na episode ng Challenging ang handog nina StarStruck 7 alumni Lexi Gonzales at Kim de Leon o kilala sa love team na #KimLex.

Sa pinalabas na episode nitong Miyerkules (September 8), sumabak ang dalawang Kapuso artists sa larong “Who's Most Likely To” kung saan sasagutin nila kung sino ang malamang na gumagawa ng isang bagay base sa mga binigay na tanong.

Ayon kay Lexi, siya raw ang mas malambing sa kanilang dalawa ni Kim.

“Ako. Lahat-lahat makakapagsabi na ako ang mas malimbing sa amin ni Kim. Sweet sweet ko kaya. Sobrang malambing ako. Imaginin niyo bago kami mag-ano.. mina-make sure ko na maayos yung buhok ni Kim, inaayos ko talaga,” sagot ng aktres.

Sinabi naman ng StarStruck 7 Ultimate Male Survivor na si Lexi rin ang most likely na antukin.

Kuwento niya, “Kung makikita niyo sa mga stories ko, kapag nagta-taping kami palaging tulog yan. Ang bilis niya gumawa ng tulog eh, nakakainggit na nga minsan.”

“Kahit sa AOS, magkahiwalay kasi kami ng dressing room. Kapag papasok ako sa kanila, tulog 'yan. Ako, kumakain lang ako sa taping ng madami. Siya natutulog ng madami,” dagdag pa niya.

Ibinahagi naman ng aktres na si Kim ang mas nag-ooverthink sa kanila.

“Naalala ko noong StarStruck, mas naapektuhan siya sa mga challenge,” sagot ni Lexi.

Panoorin ang buong episode ng Challenging sa video sa itaas at alamin ang nakatutuwang sagutan nina Lexi Gonzales at Kim de Leon.

Kapag hindi naglo-load ang video sa itaas, maari itong panoorin dito.

Para sa mas marami pang exciting videos featuring your favorite Kapuso artists, huwag palampasin ang Challenging tuwing Biyernes, 7:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel.

Tignan ang mga magagandang larawan nina Lexi Gonzales at Kim de Leon sa galleries na ito:

LEXI GONZALES

KIM DE LEON