
Kasama ang Sparkle actress na si Lexi Gonzales sa hit family drama na Cruz vs. Cruz, na pinagbibidahan nina Vina Morales, Neil Ryan Sese, at Gladys Reyes.
Sa naturang serye, gumanap ang aktres bilang Andrea, ang isa sa mga anak nina Felma (Vina Morales) at Manuel (Neil Ryan Sese).
Sa panayam ng GMA Lifestyle kay Lexi sa isang interactive beauty event, labis ang tuwa ng aktres sa kanyang pinagbibidahang role at aniya'y nakaka-relate siya rito.
“I'm just really happy na may levels 'yung character ni Andrea, and I kinda relate with her in real life kasi I'm actually easy to forgive. But the thing with me is, I'm fast to forgive pero it's hard for me to forget. So gano'n, I think 'yun 'yung similarity namin ni Andrea.
“Although siya naman, ang hirap niyang magpatawad. But I mean now na she's come into terms with actually accepting things and forgiving, doon mas ako nagiging closer to Andrea,” pagbabahagi niya.
Bukod dito, labis ang pasasalamat din ni Lexi sa Kapuso network dahil sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.
Samantala noong Agosto, pinangalanan ang StarStruck alum bilang isa sa "Women To Watch" ng isang local lifestyle magazine.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
BALIKAN ANG SHOWBIZ JOURNEY NI LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO: