
Bumilib ang netizens sa husay sa pag-arte nina Sparkle actresses na sina Lexi Gonzales at Caprice Cayetano sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
In-upload ng GMA Network sa social media ang behind-the-scenes video ng eksena nina Lexi at Caprice kung saan niyakap ng una ang huli matapos tapunan ito ng kamatis.
"Sorry, baby," ani Lexi kay Caprice.
Humanga ang netizens sa galing ng acting skills ng dalawang Sparkle stars sa comments section.
Bumibida si Lexi bilang Andrea habang binibigyang-buhay naman ni Caprice ang role bilang Jessica sa Cruz vs. Cruz.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz'