GMA Logo Lexi Gonzales
PHOTO COURTESY: lalexigonzales (IG)
What's on TV

Lexi Gonzales, pinasok ang showbiz para matulungan ang kanyang pamilya

By Dianne Mariano
Published March 1, 2023 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Ayon kay 'Underage' star Lexi Gonzales, pinasok niya ang mundo ng showbiz para masuportahan ang kanyang pamilya.

Ikinuwento ni Underage lead star Lexi Gonzales sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda ang pamilyang kinalakihan niya, kung saan tanging ang ina niya lamang ang nag-aruga sa kanilang dalawang magkapatid.

Ayon kay Lexi, kahit na mag-isa ang kanyang nanay ay ginawa nito ang lahat ng makakaya para lamang mapalaki sila nang maayos ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki, na mayroong autism.

“I understand how hard it was for her. Kaya I really did my best to enter showbiz kasi I think I have a chance here to help my mother, my brother, and my family kasi nakita ko kung paano siya naghirap, e. And alam mo 'yung feeling na ayaw mong nakikitang nahihirapan 'yung nanay mo. Ayaw ko ng gano'n.

“I wanted na someday, hindi na siya mahihirapan kasi nandito ako for her. Wala man 'yung dad ko there to help us and support us pero at least we have each other,” kuwento niya sa “The Talk” segment ng naturang programa.

Ayon pa sa StarStruck graduate, wala siyang galit sa kanyang ama at tanggap kung ano'ng buhay mayroon ito ngayon.

Aniya, “I'm very much in touch with my dad right now, I love my dad. Ako, tanggap ko rin kung ano na 'yung buhay niya ngayon, how he is right now, and I support my dad. I love him, but there's just a different side of me na I just really care and I want a good life for my mom.”

Bago nagtapos ang programa, nagkaroon ng pagkakataon si Lexi na magbahagi ng tanong para sa kanyang ama.

“Are you happy for me and mom? And would you give me more chances to be with you?” tanong ng aktres.

Nakilala si Lexi matapos siyang tanghalin bilang First Princess sa seventh season ng reality talent search na StarStruck noong 2019. Mula noon, napanood na siya sa iba't ibang Kapuso shows tulad ng Dear Uge, My Fantastic Pag-Ibig, Love You Stranger, All-Out Sundays, Running Man Philippines at marami pang iba.

Kasalukuyang mapapanood si Lexi sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.