
Simula January 16 ay mapapanood na ang GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.
Bibigyang buhay ng tatlong aktres ang roles bilang ang Serrano sisters na sina Celine (Lexi Gonzales), Chynna (Elijah Alejo), at Carrie (Hailey Mendes).
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Lexi, ibinahagi ng aktres ang kanyang karanasan nang makatrabaho ang kapwa Sparkle artist na si Gil Cuerva, na gaganap bilang si Lance Guerrero sa Underage.
“It was easy working with him. Also at the same time, I felt like I had someone to run to kapag kailangan ko ng tulong kasi, of course, it's not easy and heavy drama talaga itong Underage," aniya. “So, there are times na kailangan ko ng kakampi, sa kanya ako tumatakbo madalas and nabibigyan niya rin ako ng tips on how to do better with work and with other scenes. Nagtutulungan lang kaming dalawa.”
Nang tanungin naman ang aktres tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Gil, napangiti ang aktres at sinabi, “Gil and I, well we're happy. We're really happy right now.”
Bago pa man ang Underage ay nagkatrabaho na sina Lexi at Gil sa romance-mystery mini series na Love You Stranger, kung saan gumanap sila bilang sina Coleen at Tristan.
Noong June, matatandaan na ibinahagi ni Gil sa media conference ng Love You Stranger na mas kinikilala pa nila ni Lexi ang isa't isa.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO.