
Bilang pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, proud na ibinalita ng King of Talk na si Boy Abunda na siya ay may isinulat na mga awitin para sa kaniyang mga kapatid sa LGBTQ+ community.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, ibinigay ng batikang TV host ang ilan sa mga detalye ng ginawa nilang album na Say It Clear, Say It Loud, inspired at dedicated sa LGBTQ+ community.
Ang unang awitin sa nasabing album na pinamagatang “Bilang” ay mapapakinggan na simula ngayong Biyernes, June 7.
Pagbabahagi ni Boy, “Ito po ay bahagi ng first LGBT album o extended play dito sa Pilipinas. I was told that we didn't do this because we wanted to get this record na ito ay unang LGBT…dedicated to the LGBT community dito sa Pilipinas.
“Anim na kanta po ito. Ang unang kanta ay “Bilang” which is going to be dropped in all music platforms simula po bukas.”
Ang nasabing album ay inawit nina John Mark Saga, Anton Antenorcruz, at Raven Heyres.
Ayon pa kay Boy, “Proud na proud po kami sa trabahong ito. I wrote all the songs, I produced this. This is the work of the whole village. We would like to dedicate this sa inyong lahat. Ang title po ng aming album ay Say it clear, Say it loud.”
Pagbabahagi pa ni Boy, bahagi lamang ang album na ito ng suporta para sa laban na kinakaharap ng LGBTQ+ community.
Aniya, “Patuloy po ang aming laban para sa katarungan. We just like equal rights, we just want equality, we just want you to realize that…isa sa mga kanta nga ay sinasabi ay we dream of an ideal world, but, sige, wala pa ho, but we are here not to be you, we're here to be us.”
RELATED GALLERY: These inspiring celebrity LGBTQIA+ couples prove 'love wins'