
Isa ang Kapuso reporter na si Lhar Santiago sa journalists na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kilala at hinahangaang broadcaster at anchor na si Mike Enriquez.
Si Lhar ang isa sa mga tagahatid ng showbiz news sa segment ng 24 Oras na “Chika Minute.”
Nito lamang nakaraang Martes, August 29, 2023, kinumpirma ng 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Emil Sumangil ang pagkawala ni Mike.
Nang malaman ang balitang ito, labis na nalungkot si Lhar dahil isa si Mike sa mga nakasama niya sa news industry sa loob ng matagal na panahon.
Sa Facebook, isang post ang ibinahagi ni Lhar kung saan inilarawan niya si Mike.
Ayon sa kanyang caption, “That distinctively unique voice, I will miss. A kind-hearted friend, caring colleague and in many times funny. That is Mike Enriquez or Booma for us in the newsroom...”
Tinapos niya ang kanyang post sa pahayag na, “I will always remember him with fondness.”
Bukod sa GMA journalists, nagdadalamhati rin sa pagpanaw ni Mike ang ilang celebrities, government officials, mga kabilang sa news industry, at pati na rin ang milyon-milyong Pinoy viewers.