
Ayon sa The Clash season 5 finalist na si Liana Castillo, willing siyang subukan ang acting kung mabigyan siya ng opportunity. Sa katunayan, mayroon na siyang dream role na gusto niyang gawin.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, sinabi ni Liana ang ilan sa mga plano niya matapos ma-release ang kaniyang first-ever single na “Bebegurl.”
Aniya, “Hopefully po in the future, makagawa po ako ng sarili ko pong composition ng mga songs and more guestings and shows po…”
Dahil dito, tinanong din siya kung ginusto rin ba niyang maging artista. Ang sagot ng young singer, “Kung meron pong opportunity na maging artista, why not po i-try.”
Tungkol naman sa role na gusto niyang subukan, ang sabi ni Liana, “Talagang bilib na bilib po ako sa mga children na mukhang inosente po na roles pero 'yun po pala kontrabida po pala sila. For me, gusto ko pong ma-try po 'yun.”
Related gallery: Meet the Final 4 of 'The Clash' Season 5
Nagbigay rin ang The Clash finalist ng isa sa mga lessons na natutunan niya mula sa singing competition. Para kay Liana, ang pinaka-valuable na lesson na nakuha niya ay, “Sarili ko po ang kalaban ko.”
“Kasi kung hindi ko po aalagaan 'yung sarili ko, kung hahayaan ko pong kainin po ako ng kaba, ng lamig, ng stress, talagang magkakamali or something negative ang mangyayari,” pliwanag niya.
Ang paraan para maalagaan niya ang sarili ay pagiging positibo dahil kapag nalabanan niya ang kaba, “for sure magiging maganda po 'yung performance.”
Pakinggan ang buong interview ni Liana rito: