
Kaabang-abang ang susunod na episodes sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap dahil ilang aktor ang mapapanood dito.
Bukod sa Kapuso actress, mapapanood din bilang guests sa serye sina Anjo Damiles, Antonio Quiazon, at Jan Marini.
Habang nasa medical mission ang APEX Team, makikilala nila Dra. Analyn (Jillian Ward), Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), Dr. Luke (Andre Paras), iba pang doctors at nurses ang mga karakter na gagampanan nina Lianne, Anjo, at iba pang aktor.
Kabilang kaya sila sa mga taong tutulong sa APEX Team sa kanilang on going medical mission? O kabilang sila sa magiging dahilan kung bakit malalagay sa kapahamakan ang buhay nina Dra. Analyn, Dra. Zoey, at Dr. Luke.
Panoorin ang ilang pasilip na mapapanood mamaya sa video na ito:
Sabay-sabay nating subaybayan ang patindi nang patinding mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: