
Kamakailan lamang nang kilalanin si Lianne Valentin bilang Best Supporting Actress sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration para sa natatanging pagganap nito bilang Stella sa GMA drama series na Apoy Sa Langit.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Lianne na masaya siya sa naging outcome ng Apoy Sa Langit. Aniya, "Hindi namin akalain na papatok talaga s'ya sa mga tao especially my character na si Stella, na lahat ng tao talaga halo-halo ang naramdaman doon sa character ko. Sobra akong grateful talaga.
"Looking forward ako sa mga susunod na opportunity na ibibigay sa akin ng Sparkle, ng GMA Network. And while we are waiting my goal is to be a versatile actress and I really want to experience more characters na may depth din talaga."
Ayon kay Lianne, bukod sa drama ay gusto rin niyang gumawa ng isang thriller, mystery, crime series.
Kuwento ng aktres, "'Yung parang you're living of double life na hindi nakikita ng ibang tao. Naalala ko 'yung role ni Kuya Ken Chan sa Ang Dalawang Ikaw, 'yung may dissociative identity disorder, 'yung tipong isang tao ka lang pero ang dami mong personality.
"I really want to try that kasi mapapasabak ka roon, e. Like 'yung pagiging creative mo rin at pagiging matalino mo with character analyzation."
Sa interview, ibinahagi rin ni Lianne ang iba pang celebrities na gusto niyang makatrabaho sa GMA tulad nina Drama King Dennis Trillo, Carla Abellana, Primetime King Dingdong Dantes, at Primetime Queen Marian Rivera.
"Si Sir Dennis Trillo, actually bata pa lang ako nakikita ko na s'ya kung papaano umarte. Nakita ko 'yung growth n'ya rin when it comes to his craft so gusto kong matuto sa kanya. I've heard so many stories how he works pagdating sa set and I really want to learn more.
"Kasi siyempre bukod sa workshops, during taping iyon 'yung nilu-look forward ko rin, na matuto ka sa co-actors mo. Iyon 'yung exciting part sa pagiging artista, 'yung ma-discover mo 'yung different personalities, different crafts na ginagawa ng co-actors mo na ikaw rin mismo may makukuha ka, may mapupulot ka."
Noong Nobyembre, kabilang si Lianne sa loyal Kapuso stars na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event nito, ang "Signed For Stardom."
MAS KILALANIN SI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: