
Naging emosyonal si Lianne Valentin nang kanyang balikan kung paano sinabi sa kanya na magiging parte siya ng Sparkle 10.
Ikinuwento ito ni Lianne sa ginanap na press launch ng Sparkle 10. Kasama ni Lianne sa Sparkle 10 sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, at Elle Villanueva.
Kuwento ni Lianne, naging emosyonal siya nang makita niya ang kanilang billboard.
INSET: 2
IAT: Lianne Valentin
PHOTO SOURCE: Sparkle
"When I first saw the billboard, naiyak ako actually."
Inilahad pa ng Sparkle 10 star na si Lianne na nakaramdam siya ng pag-aalinlangan na mapabilang sa all-girl group na ipinakilala bilang bold, brave, and beautiful.
Ani Lianne, "I remember noong time na sinabi sa akin na I am going to be a part of Sparkle 10, ang unang pumasok sa isip ko, wait lang do I deserve to be a part of the Sparkle 10?"
RELATED GALLERY: The women of 'Sparkle 10' showcase their poise, charisma, sensuality, intelligence in recent media launch
Dugtong pa niya, "Sabi ko am I beautiful, ano bang mayroon sa akin?"
Ipinaliwanag naman ni Lianne na sa tulong ng Sparkle ay nakita niya na siya ay nararapat sa Sparkle 10.
"Na-remind ako ng Sparkle, ng handler ko, ng mom ko na, nila Sir Law (Lawrence Tan) na you deserve to be a part of Sparkle 10 because you're beautiful in your own way and you're unique, you're brave, you're beautiful. You have every right to be part of Sparkle 10."
Puno raw ng pasasalamat si Lianne sa billboard kung saan ipinakita ang kanyang fierce and fabulous look kasama ang iba pang miyembro ng Sparkle 10.
"Sobrang grateful ako, naiyak ako. Sabi ko 'Mom, I have a billboard on EDSA.'"
Sa huli, nagpasalamat si Lianne sa Sparkle. Kabilang rito ang mga executives na sina GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle Vice President Joy Marcelo, and Consultant for Imaging and Branding Lawrence Tan.
"Thank you Sparkle, Ms. Annette, Ms. Joy, Sir Law, and everyone na part ng Sparkle. Maraming, maraming salamat po for this opportunity."
KILALANIN ANG BOLD, BRAVE, AND BEAUTIFUL LADIES OF SPARKLE 10: