GMA Logo Lianne Valentin as Stella in Apoy sa Langit
Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar
What's on TV

Lianne Valentin, handa na sa reaksyon ng mga manonood sa kaniyang pagganap bilang si Stella sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published April 27, 2022 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin as Stella in Apoy sa Langit


Lianne Valentin sa kaniyang karakter bilang Stella sa 'Apoy sa Langit': "Unang una na maiisip ng mga tao, pa-sexy lang siya, kontrabida"

Inamin ni Lianne Valentin na napaghandaan niya na ang magiging reaksyon ng viewers ng Apoy sa Langit sa kaniyang pagganap sa karakter na Stella.

Bilang Stella, siya ang gugulo sa tila baga perpektong pamilya na binuo nina Cesar (Zoren Legaspi), Gemma (Maricel Laxa), at Ning (Mikee Quintos).

Lianne Valentin as Stella in Apoy sa Langit

Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar

Kuwento ni Lianne sa isang interview sa cast ng Apoy sa Langit, alam niya na bago pa siya pumasok sa lock-in taping na makakatanggap siya ng iba't ibang reaksyon sa karakter ni Stella.

"Naisip ko na 'yan, before I entered the lock-in taping, before talaga naisip ko na 'yan na 'yung role talaga ni Stella is maraming maiisip 'yung mga tao. May iba-iba silang reaksyon, opinyon, mararamdaman sa karakter ni Stella."

Ayon kay Lianne, habang inaaral niya si Stella ay naramdaman niya ang iba't ibang emosyon na gustong ilabas ng kaniyang karakter sa Apoy sa Langit.

"'Yun din 'yung nakita ko. Noong inaaral ko, noong binabasa ko 'yung script namin, 'yun 'yung nakita ko kay Stella. Marami siyang gustong iparamdam, marami siyang gustong iparamdam sa mga audience at sa mga tao."

Alam raw ng aktres na iisipin ng mga manonood na isang typical sexy kontrabida si Stella. Pero para kay Lianne, dapat abangan ang kuwento ni Stella.

"Unang una na maiisip ng mga tao, pa-sexy lang siya, kontrabida, ganyan 'yung effect. Pero hindi, 'yun ang masasabi ko, hindi. Maraming aspects si Stella na iba-iba. Magugulat na lang kayo na mayroon pala siyang gano'n."

Paliwanag pa ni Lianne, nahirapan siya sa pag-arte bilang Stella dahil sa dami ng pagdadaanan niya sa Apoy sa Langit.

"Doon ako nahirapan kasi maraming shifts nga of emotions si Stella. Marami siyang gustong iparamdam, marami siyang gustong ipakita bukod doon sa sexy."

Abangan si Lianne Valentin sa world premiere ng Apoy sa Langit ngayong May 2, 2:30 p.m. sa GMA Network.

Samatala, balikan ang mga naganap sa lock-in taping ng Apoy sa Langit: