
Hindi pa rin makaniwala si Lianne Valentin na parte na siya ng Sparkle 10 -- ang fierce and fabulous ladies ng Sparkle.
Sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, inamin ni Lianne na nagulat siya nang sabihin magiging parte siya ng Sparkle 10 noong nakaraang taon. Aniya, "Sobrang grateful lang ako sa GMA [at] sa Sparkle."
"Sobrang saya lang, [it's all about] womanhood and empowerment," dagdag pa niya.
Sa ngayon ay inaabangan si Lianne sa upcoming film na Apo Hapon directed by Joel Lamangan, kung saan makakasama niya si JC De Vera.
Mapapanood din si Lianne sa Regal Studio Presents: My Amnesia Lover, kung saan katambal niya si Prince Clemente.
"Ang role ko is si Angel, isang CEO na medyo mataray tapos kikidnapin nila ako. Pero bigla ako magkaka-amnesia dahil sa isang aksidente, tapos magpapanggap siya [Prince Clemente] na fiance ko."
"It's an action-romance comedy kind of episode."
Dagdag ni Prince, "Yung episode namin is very '90s so dapat ito abangan ng mga Gen Z at mga mahilig sa action movies before."
Panoorin ang buong ulat sa 24 Oras:
RELATED CONTENT: TAKE A LOOK AT LIANNE VALENTIN'S JAPAN TRIP