
Handang-handa na ang Sparkle star na si Lianne Valentin para sa kanyang magiging look para sa most anticipated event of the year, ang GMA Gala 2024.
Sa recent Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, ipinasilip ni Lianne ang ginagawa niyang preparasyon kung saan kasama ang kanyang designer na si Ushi Sato.
“Lianne Valentin is gearing up for #GMAGala2024 in style. Today, she's getting fitted for her stunning ensemble by the talented Ushi Sato.
“We can't wait to see the final look,” sulat sa caption.
Noong nakaraang taon, dumalo si Lianne sa GMA Gala kasama si Emilio Daez, ang kapatid ng kanyang dating Royal Blood co-star na si Mikael Daez.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING LOOKS NG ILANG CELEBRITIES SA GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: