GMA Logo Lianne Valentin
PHOTO COURTESY: lianne.valentin (Instagram)
What's on TV

Lianne Valentin, masaya sa kanyang love life

By Dianne Mariano
Published March 21, 2025 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Ayon sa Sparkle actress na si Lianne Valentin, masaya siya sa relasyon niya sa kanyang nobyo at aniya'y naiintindihan nila ang trabaho ng isa't isa.

Nagkuwento ang Sparkle actress na si Lianne Valentin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda ang aktres tungkol sa relasyon nito sa isang young politician. “How is it like to be in a relationship with a young politician?” tanong ng seasoned TV host.

Ayon kay Lianne, masaya siya sa relasyon niya sa kanyang nobyo at aniya'y naiintindihan nila ang trabaho ng isa't isa.

“Happy naman ako with my relationship, Tito Boy. Right now, we support each other. Alam namin 'yung gravity nung work ng isa't isa,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “Every time I date someone, my career is really important to me and nakahanap ako ng katapat ko na sobrang importante rin 'yung career niya para sa kanya. Talagang nagja-jive kami together.”

Samantala, sa usaping beauty pageants, sinabi ni Lianne na pumasok sa kanyang isip ang pagsali rito.

“Maraming nagsasabi sa akin, Tito Boy. Pumasok sa isip kong i-try, it's just that I just graduated from school. Malay natin, ito na talaga ang time. I have so much time na,” aniya.

MAS KILALANIN PA SI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO.