
Punung-puno ng sorpresa at tawanan ang hatid ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (April 23) kasama ang guests stars na sina Sparkle artists Mikee Quintos, Dave Bornea, at Lianne Valentin.
Sa naturang episode, “Na-TBATS Ka!” si Lianne matapos ma-prank ng kanyang kapwa Kapuso stars at buong TBATS cast kasama ang isang babaeng nagpanggap na biggest fan nito.
Matatandaan na kunwaring humingi ng tulong pinansyal ang babaeng si “Joan” sa aktres para maitayo ang pinapangarap na sari-sari store ng kanyang mga magulang. Nagulat naman ang aktres matapos sabihin sa kanya ng Mema Squad na “Na-TBATS Ka!”
PHOTO COURTESY: TBATS
Sa kabila ng nangyaring prank, tunay na fan talaga ni Lianne ang accomplice ng pranksters at ang totoong pangalan nito ay Janela Gonzales. Handa ring tumulong ang Sparkle actress kung hindi man prank ang nangyari.
Bukod dito, ipinamalas din nina Mikee, Dave, at Lianne ang kanilang comedic skills sa segment na “Ang Arte Mo,” kung saan nire-enact nila ang ilang eksena sa Apoy Sa Langit na mayroong nakakatawang twist.
Sumalang din ang guest stars at Mema Squad sa trivia contest with a twist na “The Inuman Quiz.”
Panoorin ang nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show sa video na ito.
Tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang TBATS via livestream sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network at YouLOL
SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH LOOKS NI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: