
Umaani ngayon ng papuri mula sa manonood si Sparkle actress Lianne Valentin dahil sa "mahusay at nanlalamon" nitong pagganap bilang Beatrice Royales sa Royal Blood, ang materialistic at superficial na bunsong anak ni Gustavo (Tirso Cruz III). Inside link:
Nakakuha ng iba't ibang reaksyon mula sa Royal Blood viewers ang mabibigat na eksena nito sa episode 34 ng murder mystery series na napanood kahapon, August 3 sa GMA Telebabad. Pumalo sa 11.6 percent ang ratings ng nasabing episode ng Royal Blood.
Tulad na lamang nang ginawa nito matapos na marinig na pinaghinalaan siya nina Kristoff (Mikael Daez) at Margaret (Rhian Ramos) na may kinalaman sa pagkamatay ng ama nilang si Gustavo, at siya rin umano ang lumason sa kasambahay na si Marta para maitago ang kanyang sikreto.
Matapang na hinarap ni Beatrice ang mga kapatid habang may hawak na espada at kinuwestiyon ang paghihinala ng mga ito sa kanya. Dahil sa galit, sinira nito ang kararating lamang na sculpture ni Kristoff na nagkakahalaga ng PhP50 million.
Beatrice is a really good actress. She can turn everything around pretty easily.#RoyalBlood #RBThrowingAccusations
-- 🌌 (@harafilipina) August 2, 2023
...kung meron man they're probably so microscopic...😂
-- Mah-Lows (@MariaLo63937821) August 3, 2023
I really like this scene.#RBSilencingTheHelp #RoyalBlood https://t.co/TNghl5k9Rl
Panoorin ang full episode 34 ng Royal Blood sa video na ito:
Patuloy na subaybayan si Lianne sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG AWRAHAN NI LIANNE VALENTIN SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: