GMA Logo Lianne Valentin and Jon Lucas
What's Hot

Lianne Valentin, namatayan ng asawa dahil sa leptospirosis sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 26, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin and Jon Lucas


Abangan ang natatanging pagganap nina Lianne Valentin, Via Veloso, Jon Lucas, Gio Alvarez, Zyren dela Cruz, at Nena Reyes sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok ngayong Sabado sa "Ganti ng Daga" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang pamilya na namatayan ng dalawang miyembro nang dahil sa leptospirosis.

Malaking perwisyo ang naidulot ng mga daga sa pamilya ng mag-asawang Sharon (Via Veloso) at Abet (Gio Alvarez), lalo na nang mamatay ang dalawa nilang anak na sina Mitoy (Jon Lucas) at Tonyo (Zyren dela Cruz) dahil sa leptospirosis.

Nang mamatay ang asawang si Mitoy, ninais ni Klarisse (Lianne Valentin) na gantihan ang mga daga.

Huwag palampasin ang "Ganti ng Daga" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 29, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG MAGAGANDANG LARAWAN NI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: