GMA Logo Lianne Valentin
PHOTO BY: Cyrus Panganiban
What's Hot

Lianne Valentin, puno ng pasasalamat para sa kanyang first acting award

By Maine Aquino
Published December 16, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Pinarangalan si Lianne Valentin ng Best Supporting Actress award para sa kanyang pagganap bilang Stella sa 'Apoy sa Langit.'

Isang malaking blessing para kay Lianne Valentin ang kanyang tinanggap na Best Supporting Actress award kamakailan.

Ang pagkilalang ito ay mula sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration para sa kanyang pagganap bilang Stella sa Apoy sa Langit.

Ang Best Supporting Actress award ang kauna-unahang acting award ng dalaga. Sa isang exclusive na mensahe na ipinadala ni Lianne sa GMANetwork.com ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa milestone na ito sa kanyang showbiz career.

Saad ni Lianne, "This is my first ever award na na-receive ko as an actress. Punong puno lang talaga ako ng kasiyahan. It feels surreal. I feel very blessed and I am very grateful and I am very happy."

Lianne Valentin

PHOTO BY: Cyrus Panganiban

Dugtong pa ng aktres ay nagbunga ang kanyang pagsisikap sa pagpapakita ng talento sa mga manonood.

"Punong puno lang ng joy 'yung puso ko dahil all the hard work, all the effort talagang worth it siya dahil ito 'yung naging outcome niya."

Tulad nang hindi inaasahang pagpatok ng kanyang karakter na Stella sa mga manonood, hindi rin inakala ni Lianne na magkakaroon siya ng acting award.

"Hindi sumagi sa isip ko or dumaan sa isip ko na magkakaroon ako ng award. Kahit na 'yung pagpatok na role ng Stella 'di ko talaga na-foresee. Grabe 'yung gulat, grabe 'yung excitement siyempre noong nalaman ko."

Paliwanag pa ng aktres, gusto lamang niya ipakita ang kanyang talento sa mga Kapuso viewers.

"Ang goal ko lang talaga is gusto ko lang ibigay 'yung best ko sa bawat character na ibinibigay sa akin. 'Yun lang naman 'yung ginawa ko and ito ang naging outcome kaya sobrang happy talaga."

Ngayong may acting award na ang Kapuso star, magkahalong pressure at excitement ang kanyang nararamdaman para sa kanyang showbiz career.

Pag-amin ni Lianne, "May pressure, of course, kasi may expectations na sa'yo 'yung mga tao especially doon nga sa naging role ko na Stella. Nandoon 'yung pressure pero excited ako at inspired ako at the same time dahil nakita ko kung gaano minahal ng tao and kung gaano na-appreciate ng mga tao 'yung talent na meron ako, 'yung skill, 'yung craft na meron ako."

Dugtong pa ni Lianne, mas lalo pa siyang ginaganahang magtrabaho at ipakita ang kanyang talento dahil sa tinanggap niyang pagkilala.

"Lalo akong nai-inspire to do more and to be at my very best every time na bibigyan ako ng trabaho.

SAMANTALA, BALIKAN ANG GLAM PHOTOS NI LIANNE VALENTIN: