
Sasabak sa isang fun dating game ang Sparkle star na si Lianne Valentin sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 24).
Related content: Get to know Lianne Valentin
Sasalang ang Royal Blood actress sa “Pusuan Na 'Yan,” kung saan tatlong hunks ang susubukan na mapabilib at manalo sa puso ng aktres.
Ito ay sina Chinito heartthrob Manolo Pedrosa, hunk athlete John Vic De Guzman, at ang Filipino-Japanese na si Ken Horiuchi, ang main rapper ng P-pop boy group na VER5US.
Kailangan sagutin ng tatlong stars ang iba't ibang mga tanong upang matulungan si Lianne sa pagpili ng kanyang potential date.
Sino kaya ang pupusuan ni Lianne? Huwag 'yan palampasin sa TBATS mamaya!
Samantala, mayroong mga mabibiktima ng isang nakatutuwang prank, na dapat n'yo ring abangan.
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 11:05 p.m.