GMA Logo Lianne Valentin
What's on TV

Lianne Valentin, sasabak sa masayang dating game sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published September 22, 2023 1:26 PM PHT
Updated December 24, 2023 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte defends Bato dela Rosa, addresses Senate tension
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Sasalang ang Sparkle actress na si Lianne Valentin sa isang dating game sa 'The Boobay and Tekla Show.'

Sasabak sa isang fun dating game ang Sparkle star na si Lianne Valentin sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 24).

Related content: Get to know Lianne Valentin

Sasalang ang Royal Blood actress sa “Pusuan Na 'Yan,” kung saan tatlong hunks ang susubukan na mapabilib at manalo sa puso ng aktres.

Ito ay sina Chinito heartthrob Manolo Pedrosa, hunk athlete John Vic De Guzman, at ang Filipino-Japanese na si Ken Horiuchi, ang main rapper ng P-pop boy group na VER5US.

Kailangan sagutin ng tatlong stars ang iba't ibang mga tanong upang matulungan si Lianne sa pagpili ng kanyang potential date.

Sino kaya ang pupusuan ni Lianne? Huwag 'yan palampasin sa TBATS mamaya!

Samantala, mayroong mga mabibiktima ng isang nakatutuwang prank, na dapat n'yo ring abangan.

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 11:05 p.m.