What's Hot

Libreng mangarap sa Korean series na 'Don't Dare To Dream'

By Marah Ruiz
Published November 14, 2018 5:05 PM PHT
Updated November 14, 2018 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang Don't Dare To Dream, malapit na sa GMA Heart of Asia.

May kanya kanyang pangarap ang tatlong bida ng Don't Dare To Dream, ang upcoming Korean series na hatid ng GMA Heart of Asia!

Si Nikki (Gong Hyo Jin) ay isang weather girl na nangangarap maging anchor sa isang broadcast station. Dahil galing sa isang mahirap na pamilya at nagtapos pa mula sa isang third-rate university, wala siyang mga koneksiyon na makakatulong para umangat ang kanyang career.

Patay na patay si Nikki sa kanyang katrabahong si Harvey (Jo Jung Suk), ang star reporter ng kanilang istasyon. Kaya lang, wala itong interes sa kanya. Nakatuon ang atensiyon nito sa pagpapaguwapo at sariling pangarap na maging anchor.

Minsan, aksidenteng makakapa ni Nikki ang dibdib ni Harvey at papayuhan niya ang binata na magpatingin sa doktor sa hinalang may bukol siyang natagpuan. Pareho kasing namatay ang ina at lola ni Nikki sa sakit na breast cancer.

Maiiskandalo si Harvey sa suggestion ng dalaga. Pero nang makumpirma niya na may breast cancer nga siya, magsisismula na niyang seryosohin si Nikki at makikita ito bilang isang mapagmahal at maaalahaning tao.

Pero tila huli na siya dahil nagkakamabutihan na si Nikki at si Johnny (Go Gyung Pyo) ang kanyang matalik na kaibigan na may ari ng ilang mga luxury clothing brands.

Magiging hadlang ba ang kahirapan at karamdaman sa kanilang mga pangarap?

Abangan ang Don't Dare To Dream, malapit na sa GMA Heart of Asia.