GMA Logo Dave Bornea in Mga Batang Riles
What's on TV

Lider ng gang ni Vergel na si Ssob, pumanaw na

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 12, 2025 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Dave Bornea in Mga Batang Riles


Hindi man magkasundo nung una, naging magtropa pa rin sina Ssob (Dave Bornea) at Kidlat (Miguel Tanfelix) sa huli.

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles ang lider ng gang niyang si Ssob (Dave Bornea).

Narinig kasi ni Kidlat (Miguel Tanfelix) na balak ipapatay ni Vergel si Ssob ngayong makakalabas na siya sa juvenile center. Si Ssob kasi ang nakakaalam ng mga sikreto ni Vergel at ng mga Victor.

Tinangka pang tumakas nina Kidlat at Ssob pero naabutan pa rin sila ni Vergel.

Dahil sa pagkamatay ni Ssob, maraming manonood ng Mga Batang Riles ang nalungkot. Hindi man magkasundo sina Kidlat at Ssob sa simula, naging tunay na magtropa pa rin sila sa huli.

Ngayong patay na si Ssob, magtagumpay kaya si Kidlat at ng Mga Batang Riles na sina Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) na makakuha ng ebidensya laban sa mga Victor?

Patuloy na tumutok sa pa-aksyon na pa-aksyon na Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.