What's on TV

Liezel Lopez at Rodjun Cruz, magtatambal sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 12, 2021 1:14 PM PHT
Updated March 12, 2021 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Liezel Lopez and Rodjun Cruz


Magtatambal sina Liezel Lopez at Rodjun Cruz sa isang brand new episode ng '#MPK.'

Bibigyang-buhay nina Kapuso stars Liezel Lopez at Rodjun Cruz ang isa na namang maselang kuwento sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tampok kasi dito ang kuwento ng isang buntis na paulit ulit inaabuso ng kanyang asawa at ng pamilya nito.

The Abused Pregnant Wife on MPK


Gaganap si Liezel bilang Aila na noong nagdadalaga ay na-diagnose na may polycystic ovarian syndrome. Dahil dito, maagang niyang natanggap na mahihirapan siyang magkaroon ng sariling mga anak.

Kaya naman laking tuwa niya nang magbunga ang pag-iibigan nila ng nobyong si Randy, role naman ni Rodjun.

Tatalikuran ni Aila ang lahat, pati na ang kanyang mga pangarap at sariling pamilya para makasama si Randy.

Tutol kasi ang pamilya ni Aila sa balak ng magkasintahan na magsama at tumira sa bahay nina Randy.

Pero dahil nakita ni Aila ang lubos ng pagmamahal ni Randy sa kanyang ina, nakita niya ito bilang senyales na magiging mabuti itong asawa at ama.

Sa pagpasok nina Randy at Aila sa poder ng ina nito, malalaman niyang hindi siya tanggap doon.

Makakaranas si Aila ng verbal at physical abuse mula sa ina at kapatid na babae ni Randy dahil pabigat ang tingin ng mga ito sa kanya.

Laking gulat ni Aila nang pati si Randy ay maging mapanag-abuso na rin sa kanya.

Paano mapapanatiling ligtas ni Aila ang sanggol na dinadala niya?

Bukod kina Liezel at Rodjun, bahagi din ng episode sina Glenda Garcia, Gilleth Sandico at Elle Ramirez.

Abangan ang kuwento ni Aila sa brand new episode na pinamagatang "The Abused Pregnant Wife" ngayong Sabado, March 13, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: