
Bibida si Kapuso actress Liezel Lopez sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.
Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Jane, isang babaeng lalaki ng busog sa pagmamahal ng kanyang mga magulang na sina Jerry at Nitz.
Kaya naman nang malaman niya na hindi siya tunay na anak ng mga ito, hindi niya ito kaagad matatanggap.
Manliliit ang tingin niya sa sarili dahil ipinamigay at ipinaampon lang siya ng kanyang tunay na mga magulang.
Magiging biktima pa si Jane ng panggagahasa kaya magkakaroon ito ng trauma sa mga lalaki, kabilang ang pinakamamahal niyang tatay Jerry.
Mahihilom kaya ng pagmamahal nina Jerry at Nitz ang mapapait na nangyari kay Jane?
Ang beteranong aktor na si Nonie Buencamino ang gaganap bilang ama niyang si Jerry, habang si Sharmaine Arnaiz naman ang nanay niyang si Nitz.
Bahagi din ng episode ang mga Kapuso hunks na sina Juancho Trivino, Jay Arcilla at Jon Lucas.
Abangan ang kuwentong 'yan sa fresh at brand new episode na "Ampon Man Sa Iyong Paningin: The Jane Magbanua Story," April 30, 8:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito: