
Hiwalay na si Kapuso actress Liezel Lopez sa kaniyang non-showbiz boyfriend, bagay na ibinahagi ng aktres sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 2.
Kasama sina Analyn Barro at Arra San Agustin, nilinaw ni Liezel Lopez na maayos naman ang naging hiwalayan nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend. Sabi pa ng aktres, sa ngayon, gusto lang niya munang mag-focus sa sarili at karera, bagay na gusto rin niyang gawin ng dating nobyo.
“I think I just really want to focus on myself, my career, and I want him to do the same for himself too. So sabi ko, 'Let's just [give eachother] space. You know? Space lang, focus on your work,” sabi ni Liezel.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY NON-SHOWBIZ PARTNERS SA GALLERY NA ITO:
Ani Liezel, nagkakaroon sila ng conflict sa kaniyang ex-boyfriend dahil magkaibang mundo ang ginagalawan nila.
“I'm like, 'Okay, so focus muna tayo on each other's world and maybe, malay mo, kung tayo talaga, pagkikitain tayo ulit ni Lord at kung tayo talaga sa huli, magiging tayo,'” sabi ni Liezel.
Sa August 14 episode din ng parehong GMA Afternoon Prime talk show, unang ibinahagi ni Liezel Lopez na meron siyang non-showbiz boyfriend. Hindi na siya nagbigay ng ibang detalye noong mga panahong iyon dahil gusto niyang panatilihing pribado muna ang tungkol dito.
Malaki umano ang advantage ng pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend dahil bukod sa napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon, malawak din ang mga paksang napag-uusapan nila.
Panoorin ang panayam kina Arra, Analyn, at Liezel dito: