GMA Logo liezel lopez and martin del rosario
What's on TV

Liezel Lopez, inaming 'na-fall' na kay Martin Del Rosario

By Jimboy Napoles
Published April 28, 2023 7:12 PM PHT
Updated May 1, 2023 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

liezel lopez and martin del rosario


Alamin ang reaksyon ni Martin Del Rosario sa naging pag-amin ni Liezel Lopez DITO:

Kinikilig na inamin ng Kapuso sexy actress na si Liezel Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda na na-fall na siya sa kaniyang co-star sa Voltes V: Legacy na si Martin Del Rosario.

Sa pagharap ni Liezel nakakatarantang “Fast Talk” ng batikang TV host na si Boy Abunda, napa-amin ang aktres sa kaniyang nararamdaman para kay Martin.

“Your showbiz crush?” tanong ni Boy kay Liezel.

“Martin,” sagot naman ng aktres.

Sunod na tanong ni Boy, “Madaling ma-fall? Yes or No?”

Yes,” agad na tugon ni Liezel.

Dahil dito, agad muling nagtanong si Boy, “Na-fall ka na ba kay Martin? Yes or No?”

“Yes,” nakangiting sinabi ng aktres paharap kay Martin.

Dito na agad na naghiyawan ang mga tao sa studio. Kasabay nito, agad na nagsalita si Martin, “Bakit hindi mo sinasabi?”

Ayon pa kay Liezel, si Martin ang itinuturing niyang pinaka-close [na kaibigan] sa showbiz ngayon. Bukod dito, handa na rin daw ngayon ang aktres na maki-'mingle.'

Gumaganap sina Liezel at Martin bilang Zandra at Prinsipe Zardoz ng Boazanian Empire sa Voltes V: Legacy na mapapanood na ngayong Mayo sa GMA.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG HOTTEST LOOKS NI LIEZEL LOPEZ SA GALLERY NA ITO: