What's on TV

Liezel Lopez, may nakitang espiritu sa bahay nila sa Olongapo?

By Racquel Quieta
Published October 29, 2021 8:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

liezel lopez


Alamin kung ano ang nakita ng 'Voltes V: Legacy' actress sa kanilang bahay sa Olongapo.

Bukod sa Nagbabagang Luha actress na si Myrtle Sarrosa, may kuwento ng kababalaghan ding ibinahagi ang Voltes V: Legacy actress na si Liezel Lopez sa ParanorMars segment ng Mars Pa More kamakailan.

Ayon sa Kapuso celebrity marami na raw siyang naranasang nakakatindig-balahibo sa kanilang bahay sa Olongapo.

“Nakatira kami dati sa bundok sa Olongapo and then 'yung bahay naming merong mga doppelganger.”

Ikinuwento ni Liezel na minsan na raw siyang may nakitang nakakakilabot at 'di mapaliwanag sa nasabing bahay.

“Meron akong na-experience one time, nakita ko talaga siya. Nagla-lunch kami with my lola tapos may window sa tapat namin and then merong babae na naglakad talaga.

“And then sabi ko, 'Nakita mo 'yon?' sa lola ko. Sabi niya, 'Oo, nakita mo rin?'

“Sabi ko, 'Sino 'yon?' Kami lang kasing dalawa doon sa bahay.

“Para lang siyang smoke na hugis babae talaga.

“Tapos ako siyempre parang hindi ako makapaniwala na nakita akong ghost, sinundan ko pa siya sa likod tapos wala talaga.

“Doon na ko kinilabutan.”

1.jpg

Liezel Lopez ikinuwento ang nakitang kababalaghan sa bahay nila sa Samar / Source: Mars Pa More

IAT: liezel lopez

Payo ng founder ng Mysterium Philippines at former paranormal consultant na si Rob Rubin kay Liezel, mas mabuting iwasan na lang niya hanggat maaari ang mga espiritung nakikita niya.

“There's and old saying 'You see them. They see you'. If you're interacting with them, baka sobrang active ng intuitive gifts mo.

“Pero kung ganyan, it's better that you learn to control your intuitive gifts then just leave them alone.

“Kasi they will tend to activate without you knowing it and that'll give you a lot less peace of mind.

“So, that being said, remember though at the end of the day, faith in God is the biggest form of protection from any kind of spirit.

“As long as you have faith in God, you are safe.”

Panoorin ang paglalahad ni Liezel Lopez ng kanyang nakakatakot na karanasan sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang ilan sa best celebrity Halloween costumes noong 2020.