GMA Logo Liezel Lopez
What's on TV

Liezel Lopez, sasabak sa isang matchmaking game sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published July 26, 2024 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Liezel Lopez


Sino kaya ang pupusuan ng 'Asawa ng Asawa Ko' star na si Liezel Lopez sa tatlong hunks sa 'Pusuan Na' Yan?' Abangan lamang 'yan sa 'TBATS' ngayong Linggo!

Isang nakakatawang edition ng matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan” ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 28).

Abangan ang Asawa ng Asawa Ko star na si Liezel Lopez at ang tatlong hunks na susubukang mapabilib ang aktres.

Related gallery: Liezel Lopez stuns in GMA Entertainment's Kapuso Profiles shoot

Ang nagagwapuhang hunks ay sina Sparkle artist Jin Macapagal, trending social hunk na si MJ Abellera, at It's Showtime Online U host na si Wize Estabillo.

Hindi lamang kailangan nina Jin, MJ, at Wize i-outwit ang isa't isa, kundi ipamalas din ang kanilang skills sa improvisational comedy habang susubukang makuha ang atensyon ni Liezel.

Samantala, sa MOS segment na “Sabehhh?, makakausap nina Boobay at Tekla ang ilang mga tao habang sinusubukan magawa ang nakakaaliw na mental at physical challenges sa bangketa.

Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 28), 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.