What's on TV

Liezel Lopez, tinuturing na second family ang cast ng 'Babawiin Ko Ang Lahat'

By Aedrianne Acar
Published May 19, 2021 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Liezel Lopez and Dave Bornea


Sa pagtatapos ng high-rating afternoon drama series sa Biyernes, May 21, ibinahagi ni Liezel Lopez ang hindi niya mga malilimutan sa naturang project.

Maraming babaunin ang Kapuso stars na sina Liezel Lopez at Dave Bornea sa pagtatapos ng kanilang afternoon series na Babawiin Ko Ang Lahat sa darating na Biyernes, May 21.

Gumaganap si Dave bilang love interest ng karaketer ni Pauline Mendoza na si Randall, samantala evil half-sister naman ni Iris ang role ni Liezel na si Trina.

Sa idinaos na media conference with the entertainment press last week for the finale, ibinahagi nina Liezel at Dave ang mga natutuhan at naranasan nila sa paggawa ng isang afternoon soap sa gitna ng isang pandemya.

Para sa Kapuso actress, tinuturing niyang second family na ang buong cast ng show.

Ani Liezel, “Gift sa akin ng Babawiin Ko Ang Lahat, 'yung naging second family ko 'yung mga co-actors ko.

“That's the best gift na binigay niya sa amin and also 'yung experience ng first lock-in [taping] namin--'yung memories. 'Yung magaganda at masasayang memories gift dun 'yun sa akin.”

“And ayun, yung friendship na nabuo sa aming lahat, that's the greatest gift for me.”

Bukod sa pagkakataon na maging leading man, malaki ang pasasalamat ni Dave sa kanyang co-actors na hindi naging madamot sa mga ideas na magagamit niya sa future projects niya.

Paliwanag ng Kapuso hottie, “Sa akin naman po, of course 'yung role po, para sa akin it's a gift na maging isang leading man and then of course kay Pauline [Mendoza] pa.

“And then sa mga cast, napakabait, napaka-genuine, napaka- generous nila when it comes to work. Hindi po sila madamot sa mga ideas, sa mga bagong aral na puwede ko gamitin sa work po.”

Sundan ang mga nagbabagang eksena sa finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.

Sa pagtatapos ng serye, ating balikan ang naging lock-in taping experience ng cast noong 2020 sa gallery below: