
Sa GMA Afternoon Prime legal drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, nagkabati na ang magkapatid na Lilet (Jo Berry) at Aera (Analyn Barro).
Nakakulong na sina Patricia (Sheryl Cruz) at Renan (Tom Rodriguez) sa kasong pagpatay kay Atty. Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan) kaya wala nang pumipigil sa dalawa na tuluyang magkaayos.
Pinayagan na rin ng korte si Lilet na irepresenta ang pamilya niya sa kasong pagpatay kay Atty. Meredith. Sa kasamaang palad, bumaliktad si Vivian (Lovely Abella) at sinabing siya ang tunay na pumatay kay Atty. Meredith.
Paano kaya ito masosolusyunan nina Lilet at Aera? Mapapatunayan pa kaya nilang si Patricia ang tunay na pumatay kay Atty. Meredith?
Abangan ang huling tatlong araw ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.