
Sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, masaya sana ang araw ni Atty. Lilet dahil kinilala siya bilang Tala ng mga Bata awardee pero naging bangungot ito dahil biglang sumulpot si Sally (Gilleth Sandico).
Hindi alam ni Lilet na nakalaya na si Sally sa tulong ni Patricia (Sheryl Cruz). Ayaw pa rin tumigil ni Sally sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Karding dahil not guilty ang naging hatol ng korte sa mag-inang Chato at Langgay.
Dahil hindi niya nakuha sa korte ang hustisyang inaasam, si Sally na mismo ang kumilos upang kidnapin sina Atty. Lilet at Atty. Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan).
Makakalaya pa kaya si Lilet o ibibigay ni Sally ang hustisyang sa tingin niya ay para sa kapatid niya?
Abangan ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legalserye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood din ito online sa Kapuso Stream.