
Sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, magkukrus na ang landas ni Atty. Lilet (Jo Berry) at ng karakter ni Rita Daniela na si Rebecca GMA Prime series na Widows' War.
Sa teaser ng episode ngayon, December 23, ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, mapagbibintangan pa nina Lilet at ng driver ng sinasakyan niya na scammer si Rebecca dahil nahimatay ito sa harap ng kanilang sasakyan.
Naniniwala naman si Lilet na mayroon talagang sakit si Rebecca kaya nahimatay ito bigla sa kalsada.
Ano kaya ang mangyayari ngayong nagkita na sina Atty. Lilet Matias at Rebecca Palacios?
Panoorin ang mga susunod na kaganapan sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.