GMA Logo Lilet Matias stars
What's on TV

'Lilet Matias, Attorney-At-Law' stars, nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 12, 2024 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Lilet Matias stars


Hinarana at nagpakilig sina EA Guzman, Jason Abalos, Zonia Mejia, at Analyn Barro sa isang mall sa Binondo sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Nakiisa ang mga bida ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law na sina EA Guzman, Jason Abalos, Zonia Mejia, at Analyn Barro sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Chinatown sa Binondo, Manila.

Pinasaya at hinarana nina EA, Jason, Zonia, at Analyn ang mga taong nagtungo sa Lucky Chinatown Mall upang makisaya sa pagsalubong ng bagong taon. Napaaga rin ang pagdiriwang nila ng Valentine's Day dahil sa pagpapakilig na hatid nilang apat.

Sa larawang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang maraming tao na nagtungo sa mall upang masilayan ang kanilang mga paboritong artista.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ang Lilet Matias, Attorney-At-Law ay umiikot sa kuwento ng abogadong si Lilet Matias, isang little person na may malaking pangarap sa buhay.

Sa pagtatapos niya ng abogasya, pinangako niya sa sarili niyang tutulong siya sa mga mahihirap at naaapi.

Makakasama ni Jo Berry sa unang legalserye sa Pilipinas sina Sheryl Cruz, Rita Avila, Bobby Andrews, Jason Abalos, Lloyd Samartino, Troy Montero, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago, Ariel Villasanta, at Maricel Laxa-Pangilinan.

Kabilang rin dito sina EA Guzman, Analyn Barro, Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Jenzel Angeles, at Hannah Arguelles.

Panoorin ang Lilet Matias, Attorney-At-Law simula March 4 sa GMA Afternoon Prime.