
Tinanghal bilang kauna-unahang grand winner ng bagong segment ng Eat Bulaga na “Hey Mr. Rider” ang pambatong rider ng Lipa City, Batangas na si Limuel Mendoza.
Sa grand finals ng nasabing kompetisyon ngayong Biyernes, August 11, nanaig ang performance ni Limuel laban sa kanyang mga kapwa rider at grand finalists na sina Aldrin Ocol ng Dasmariñas, Cavite, at Gian Carlo Alviz ng Sampaloc, Manila.
Bilang grand winner, nakatanggap si Limuel ng PhP50,000 at brand new motorcycle na may kumpletong accesories kasama ang helmet at jacket.
Kabilang sa mga naging hurado sa grand finals ay ang The Missing Husband actors na sina Rocco Nacino at Kapuso hunk na si Jak Roberto, kasama pa ang motorcyclist at content creator na si Idol MOTO.
Congratulations, Limuel Mendoza!
Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.