GMA Logo Zhang Yingfei
Photo by: itsShowtimeNa (X)
What's on TV

'Linda Walker' actress Zhang Yingfei, nakisaya sa 'It's Showtime'!

By Kristine Kang
Published June 10, 2026 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GSIS offers P15.1B in emergency loans for earthquake-affected members, pensioners
Award-winning Makati bartender Ronald Cruz to represent PH in global stage
Filipina firefighter helps save child from Japan railway

Article Inside Page


Showbiz News

Zhang Yingfei


Good vibes ang dala ni Zhang Yingfei, a.k.a Linda Walker, sa madlang people!

Naging mas masaya ang kulitan at kuwentuhan sa It's Showtime kasama ang Chinese actress na si Zhang Yingfei.

Nitong Lunes (June 9), naghatid ng good vibes at energy ang micro-drama star na mas kilala sa kanyang karakter na si Linda Walker.

"Welcome to the Philippines! "masayang bati ng mga host sa aktres.

Game na game ring binati ni Zhang Yingfei ang Madlang People sa pamamagitan ng iconic lne na, "What's up Madlang People!"

Kuwento rin ng aktres, labis ang kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang pagbisita. Dagdag pa niya, nagulat siya sa dami ng sumusuporta sa kanya sa bansa.

"Before, I didn't know (I'm popular in the Philippines). But these days, I feel the warmth of the Filipinos," ani Zhang Yingfei sa tulong ng kanyang interpreter na si Candice Tan.

Nagpatuloy ang masayang kuwentuhan nang makipag-usap ng Chinese si Kim Chiu kay Zhang Yingfei. Kasama rin ang Madlang People, kinantahan ng mga host ang aktres para sa kanyang papalapit na kaarawan.

Hiyawan naman ang mga manonood nang makisabay si Zhang Yingfei sa pagsasayaw ng "Oohh Lala Baby" challenge ng girl group na Baby Dolls.



Hindi lamang sa studio naramdaman ng aktres ang mainit na pagtanggap. Sa backstage, ilang miyembro rin ng It's Showtime family ang bumati at nakipag-bonding kasama ang aktres.

Isa na rito ang child star na si Kelsey, na tila dream come true para sa kanya ang makita nang personal si Linda Walker.

"Still can't believe I finally met Linda Walker! " aniya sa isang social media post.

"Mag-aaral po ako ng mabuti para maka kuha din po ako ng mataas na score kagaya ni ate Linda Walker," dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Karylle ang kanyang paghanga sa proyekto ng kanilang special guest sa bansa.

"Nabalitaan mo ba na sobrang taas ng score niya? Now she wants to make sure ang mga kabataan ay mag-aral ng mabuti tulad niya kaya bumisita siya sa atin. Hi from today's studio bisita, Linda Walker," sulat ng host sa kanyang post.



Nakilala si Zhang Yingfei bilang si Linda Walker sa mga viral clip ng Chinese vertical drama series na The Heiress Who Won with Brains. Sa kuwento, ginampanan niya ang isang estudyanteng gumamit ng kanyang talino at sipag upang makaahon sa kahirapan.

Ngayong June 10, magkakaroon ng meet-and-greet event ang aktres sa SM North EDSA.

Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime, tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Tingnan ang ilang Pinoy celebrities kasama ang kanilang paboritong international stars sa gallery na ito: