What's Hot

Lindsay Custodio's politician husband dies in car accident, report

Published November 19, 2018 7:26 PM PHT
Updated November 19, 2018 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Lindsay Custodio's husband and former Tanauan City Vice Mayor Julius Platon II died in a car accident, according to a post of Facebook page of Tanauan, Batangas.

Pumanaw na asawa ng dating actress-singer na si Lindsay Custodio, si dating Tanauan City Vice Mayor Julius Platon II.

Base sa Facebook post ng Colorful Tanauan, naaksidente ang dating vice mayor ng Tanauan, Batangas, matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho sa South Luzon Expressway (SLEX) kagabi, November 18.

Sabi pa sa post, “Naisugod pa sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City ang dating pangalawang punungbayan ngunit binawian din ng buhay ngayong araw.

“Ayon sa isang malapit na kamag-anak ay ilalagak ang kanyang mga labi sa The Heritage Park sa Taguig City. Samantala, wala pang detalye kung kailan ang kanyang libing at kung dadalhin din sya sa ating lungsod.”

Bukod sa kaniyang asawang si Lindsay, naulila rin ni ex-Vice Mayor Platon ang kanilang mga anak na sina Sean at Charisse.

Bumuhos naman ang mensahe ng pagdadalamhati at pakikiramay ang post ng naturang Facebook page: