
Trending ngayon ang binitawang linya ni Sofia Pablo bilang si Donna Lyn sa isa sa mga teaser ng ikalawang season ng Prima Donnas.
Sa pag-uwi kasi ni Donna Lyn mula Australia ay binanggit niya ang katagang, "It's not Lenlen, it's Donna Lyn."
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sofia ang ilan sa fan-made videos gamit ang patok na patok niyang linya.
Sulat ni Sofia sa caption, "Fans kept tagging me in the recreation videos! These were tooooooo cuteee and so touching not to share! Mahal ko kayo!!!"
"Again and again, thank you for always loving Len Len! Oppsy! Donna Lyn pala!"
Mapapanood ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter na dapat abangan sa ikalawang season ng Prima Donnas DITO: