
Ipinalabas na sa GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha ang pinakahihintay na eksena ng marami ngayong araw, October 20.
Ito ang pagbitiw ni Glaiza De Castro ng sikat na linya mula sa original version ng programa sa TV adaptation nito ng GMA. Binibigyang-buhay ng dramatic actress ang karakter ni Maita, na orihinal na ginampanan ng seasoned actress na si Lorna Tolentino.
Sa episode ng serye ngayong Miyerkules (October 20), nagkapatawaran na ang dating mag-asawa na sina Maita at Alex (Rayver Cruz).
Matapos ang gulong kinasangkutan, nagdesisyong magkabalikan ang dalawa.
Labis ang hinagpis ng kapatid ni Maita na si Cielo (Claire Castro) na siyang sumira sa relasyon ng kanyang ate at ni Alex.
Lumuhod, umiyak, at nagmakaawa si Cielo kay Maita para ibalik sa kanya si Alex pero nanindigan si Maita na sa kanya lang ang kanyang mister.
Nanlulumo at mugto ang mga mata, sinambit ni Cielo ang mga salitang "mamatay ako" na matapang na sinagot ni Maita ng "ipalilibing kita."
Inabangan ang nagbabagang eksenang iyon nina Glaiza at Claire na trending topic sa Twitter Philippines ngayong October 20.
#NLIpalilibingKita was trending in 2.8k tweets pic.twitter.com/hOs1KZ4ZEg
-- Jhovie patalinghug (@Jhoviepataling1) October 20, 2021
Ipinahayag naman ng ilang avid viewers ng Nagbabagang Luha ang kanilang excitement at paghanga kay Glaiza matapos mapanood ang dramatic scene.
The scene we all been Waiting for!#NLIpalilibingKita@glaizaredux pic.twitter.com/IhJ4KgdoSx
-- 🥥 (@pimmfo_) October 20, 2021
Maita is on Fire!!! #NLIpalilibingKita @glaizaredux pic.twitter.com/oFb429Hqou
-- 𝐆𝐥𝐚𝐢𝐳𝐚𝐦𝐢𝐠𝐚𝐡𝐬 (@Glaizamigahs) October 20, 2021
Antagal kong inintay to. 😂😂 @glaizaredux#NLIpalilibingKita pic.twitter.com/IRPBjpqaWH
-- 👈 (@sulat_kaliwete) October 20, 2021
The most awaited scene of Maita Ignacio-Montaire and Cielo Ignacio on Philippine Television!
-- 𝐆𝐥𝐚𝐢𝐳𝐚𝐦𝐢𝐠𝐚𝐡𝐬 (@Glaizamigahs) October 20, 2021
Cielo: Ate, mamamatay ako
Maita: Ipalilibing kita#NLIpalilibingKita@glaizaredux pic.twitter.com/3TvSqILw5X
“Ipalilibing kita” grabeeee ka @glaizaredux!!!!
-- Honeyyyyy🐼 (@valdezhoney_) October 20, 2021
#NLIpalilibingKita pic.twitter.com/5lvoOupzCz
Maliban pa rito, pinag-usapan din sa Twitter ang pagtanggap ni Calida (Gina Alajar) kay Maita bilang maybahay ng kanyang anak na si Alex.
Tweet ng isang netizen, "Nakakatuwa naman at nagkabalikan na si Maita at Alex plus... tanggap na tanggap na ulit ni Mrs. Montaire si Maita."
Nakakatuwa naman at nagkabalikan na si Maita at Alex plus... tanggap na tanggap na ulit ni Mrs. Montaire si Maita. @glaizaredux #NLIpalilibingKita
-- My Goddess Glaiza😍😘 (@thanashirii) October 20, 2021
Tingnan ang iba pang tweet dito:
Kaiyak pero iyak ng saya at finally ok na muli si mrs montaire at at maita #NLIpalilibingKita pic.twitter.com/7fPWegHuxV
-- rosa-rdc (@Rdc10Rosa) October 20, 2021
Calida: "I'm so sorry that I took long to accept you. I'm so sorry Maita, please forgive me."
-- 𝐀lagang 𝐊atipunerang 𝐌ilenyal (@alagang_gdc) October 20, 2021
"Dapat matagal ko nang binigay yan sa'yo. Andito kalang pala sa harap namin. Please, call me Mama again."
Ahhhhh I'm living for this episode!#NLIpalilibingKita | @glaizaredux
ramdam ko ang pag hinge ng tawad niya kay maita. #NLIpalilibingKita
-- Oliver Inopiquez (@OliverInopiqu16) October 20, 2021
KapusoBrigade@amaya_battalion
Bukas, October 21, mapapanood ang pagbabalik ng 2016 Cannes Film Festival na si Jaclyn Jose na gumaganap bilang Mercy, ina nina Maita at Cielo sa Nagbabagang Luha.
Sa paglitaw ni Mercy, magkapatawaran na kaya ang mag-i-ina at maresolba kaya ni Cielo ang personal niyang isyu?
Huwag palagpasin ang huling tatlong araw ng Nagbabagang Luha pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.