GMA Logo  Lisa Manoban, Tayme Thapthimthong
What's Hot

Lisa ng BLACKPINK, ipinakita ang husay sa acting debut sa 'The White Lotus'

By Karen Juliane Crucillo
Published February 25, 2025 5:44 PM PHT
Updated February 26, 2025 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

 Lisa Manoban, Tayme Thapthimthong


Sumabak na si Lisa ng BLACKPINK sa kaniyang pinakaunang acting project!

Hindi na lamang sa pagpe-perform on stage nakamamangha ang talento ng BLACKPINK member na si Lisa Manoban dahil ngayon ay makikita na rin ang kanyang galing sa acting.

Sa panayam ng Unang Hirit host na si Lyn Ching kay Lisa kasama ang global superstar at ang Thai co-actor nito na si Tayme Thapthimtong, napag-usapan nila ang experience na makatrabaho ang isa't isa sa isang series.

Si Lisa ay gumanap bilang wellness coach na childhood friend ni Tayme sa hit series na The White Lotus season 3.

Mapapansin sa interview na naging close na rin ang dalawa dahil sa bonding nila off-screen.

"We made efforts to get to know each other better authentically by doing lunch and dinners together and doing some activities," ikinuwento ni Tayme.

Dagdag ni Lisa, "After our shoot, we're just like, 'Hey, do you want to do dinner or just lunch together'.”

Sinabi rin ni Tayme na masayang katrabaho si Lisa dahil na rin sa kaniyang aura.

Kahit acting debut ito ni Lisa, humanga naman agad ang kaniyang mga co-actors.

Ikinuwento ni Tayme na minsan ay kinakabahan si Lisa pero kapag ito ay sumabak na sa acting-an ay lumalabas ang pagiging natural nito.

"I think everybody tries to support me as much as they can, and they just make me feel so comfortable on set, so it's just easier for me to just act it out and no pressure," pagpapasalamat ni Lisa.

Sa Thailand kinuhanan ang buong season 3 ng series at ipinagmamalaki nina Lisa at Tayme ang Thai food at ang mga magagandang view sa lugar.

Panoorin ang interview:

Ipinalabas na ang season 3 ng The White Lotus noong February 16 na mapapanood sa Max.

RELATED: LOOK: Lisa Manoban's most luxurious looks