
Simula nang umere ang tatlong programa ng GMA Prime na Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko, ramdam na ramdam ng mga manonood ang bawat eksena nito gabi-gabi.
Sa wartime family drama na Pulang Araw, ramdam na ramdam ng mga manonood ang mga eksenang umiikot sa pagmamahalan ng isang pamilya.
Kahit may banta ng pagpapahirap at kamatayan, hindi pa rin isinuplong ni Adelina (Barbie Forteza) ang kanyang kapatid na si Eduardo (Alden Richards) kay Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).
Damang dama rin ang pagmamahal ng ni Fina (Rhian Ramos) sa kanyang mga anak at gagawin niya ang lahat para protektahan at ipagtanggol ang mga ito.
Hindi naman mapigilan ni Hiroshi (David Licauco) ang nararamdaman para kay Adelina (Barbie Forteza), kahit pa ipinangako na siya sa kapatid nitong si Teresita (Sanya Lopez). Nagdadalawang isip naman si Adelina dahil ayaw niyang mahirapan pa ang kababata at ang kanyang kapatid.
Sa murder mystery drama na Widows' War, maraming intense scenes ang pinakaramdam at pinag-usapan ng mga manonood.
Marami ang naawa kay George (Carla Abellana) noong malaman niyang hindi pa sila magkakaanak ni Basil (Benjamin Alves). Bago mamatay ang huli, sobrang ikinalungkot ng una ang kanyang pagkabigo.
Labis naman na ikinagulat ni Sam (Bea Alonzo) na ang kanyang biyenan na si Aurora (Jean Garcia) ay naging karelasyon noon ng kanyang ama.
Ramdam rin ng mga manonood ang eksena ni Aurora nang malaman niyang isang Palacios rin si Jerico (Royce Cabrera).
Sa Asawa Ng Asawa Ko naman, hindi magpapatalo ang mga eksena nina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) at Shaira (Liezel Lopez) sa pinakanaramdaman ng mga manonood.
Sa simula ng programa, agad na naramdaman ng mga manonood ang sakit na naramdaman ni Carmen (Gina Alajar) at Jordan (Rayver Cruz) nang matanggap nila ang putol na daliri ni Cristy.
Ramdam na ramdam rin ang naging paghaharap nina Cristy at Shaira bago sila magpakasal kina Leon (Joem Bascon) at Jordan.
Hindi rin malilimutan kung paano pinasabog ni Hannah (Kylie Padilla) ang bangkang sinasakyan ni Shaira para maghiganti sa tangka nitong pagpatay sa kanyang anak na si Billie (Patricia Coma).
Patuloy na abangan ang Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko para sa
mga pinakatumatatak, pinakatumatagos sa puso, at pinakaramdam na mga eksesa sa GMA Prime simula 8:00 p.m. sa GMA.