GMA Logo pulang araw, widows war, asawa ng asawa ko
What's Hot

LIST: Ang pinakatumatak na mga eksena sa 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko'

By Marah Ruiz
Published November 15, 2024 11:55 AM PHT
Updated November 15, 2024 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

pulang araw, widows war, asawa ng asawa ko


Narito ang mga pinakatumatak na mga eksena mula sa GMA Prime shows na 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko.'

Tunay na walang kapantay ang GMA Prime!

Pagdating sa drama, talagang pinakatumatatak ang mga eksena sa mga programa nitong Pulang Araw, Widows' War, at Asawa ng Asawa Ko.

Busog na busog ang mga manonood sa engrandeng mga eksena ng wartime family drama na Pulang Araw.

Napakaganda ng tahi-tahing mga eksena ng pagdating ng panibagong giyera at simula ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.



Hindi rin malilimutan ng mga manonood ang pagtatanghal ng Reyna ng Bodabil na si Katy dela Cruz na binigyang buhay ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.



Napakahusay naman ng action at stunts sa paghaharap ni Eduardo at Col. Yuta Saitoh. Bukod sa magandang fight scene, ipinamalas din dito nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapuso Drama King Dennis Trillo ang galing nila sa pag-arte.



Sa murder mystery drama na Widows' War, mayroong mga eksena na labis na tumatak sa mga manonood at fans ng serye. Sa katunayan nga, ilan sa mga ito ay pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon.

Isa na rito ang tungkol sa pagkakaibigan nina Sam at George, ang mga karakter ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Mula sa pagiging workmates, itinuring noon nina Sam at George na kapatid ang isa't isa hanggang sa naging magulo na ang kanilang mga buhay at naapektuhan na ang kanilang pagkakaibigan.



Tumatak din sa viewers ang muling pagkikita ng former best friends na sina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana). Ikinagulat nina Sam at George na ang kanilang mga naging partner ay parehas palang miyembro ng pamilya Palacios.



Ang pagkabunyag na isa na lamang human taxidermy si Paco Palacios (Rafael Rosell) ay talaga namang tumatak din sa mga manonood.

Matagal na panahong ipinakita sa serye na mayroong kausap si Aurora (Jean Garcia) sa kanyang secret room kaya naman naging palaisipan sa lahat kung sino nga ba ang naroon.

Marami ang naawa kay Aurora noong inilahad na sa viewers na patay na talaga ang anak ng una na si Paco.



Sa Asawa Ng Asawa Ko, marami na rin ang tumatak na eksenang talaga namang nang-inis at nagpaiyak sa mga manonood nito.

Sa unang linggo pa lamang ng Asawa Ng Asawa Ko ay na-kidnap na agad si Cristy (Jasmine Curtis-Smith) ng grupong KALASAG sa mismong honeymoon nila ni Jordan.



Matapos ang mahabang panahon, masaya ang mga manonood nang muling nagkita sina Cristy at Jordan.



Talaga ring tumatak sa puso't isip ng mga manonood ang pagbabalik ni Hannah (Kylie Padilla) sa buhay ni Leon (Joem Bascon).



Patuloy na abangan ang Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko para sa mga pinakatumatatak, pinakatumatagos sa puso, at pinakaramdam na mga eksena sa GMA Prime simula 8:00 p.m. sa GMA.