GMA Logo Steps and benefits of Zumba
Celebrity Life

LIST: Basic steps and health benefits of Zumba

By EJ Chua
Published November 11, 2021 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Steps and benefits of Zumba


Now is the best time to get into zumba.

Game na game ang mga Pinoy sa iba't ibang workout paandar para mapanatili ang fit at healthy bodies.

Isa na dito ang page-ehersisyo sa pamamagitan ng pagzu-Zumba.

Patok ngayon ang Zumba hindi lang sa young ones, kundi pati na rin sa mga young at heart.

Ang ehersisyong ito ay perfect din para sa mga working from home at mga nasa bahay lang na gustong magbawas ng timbang.

Isa itong fun exercise, kaya naman makakatulong ito upang paginhawahin ang pakiramdam ng isang taong stressed o wala sa mood.

Sa exercise na ito, maaaring manumbalik ang sigla ng isang tao kahit pa siya ay may edad na.

Bago magsimula ang pandemya, sa ilang parks at malls isinasagawa ang ilang Zumba sessions.

Ang ilan ay todo effort pa sa pag-flex ng kanilang Zumba outfits.

Ngunit ngayon, sa bahay muna ito ginagawa ng ilan sa tulong ng "ZOOMba" o kaya naman ay Youtube Tutorials.

Ilang mga Pinoy na ang kasalukuyang sinusubukan ang Zumba dahil na rin sa health benefits na maaaring makuha ng isang tao sa dance workout na ito.

Courtesy: Pinoy MD (Facebook)

Courtesy: Pinoy MD (Facebook)

Narito ang ilang basic steps kung gusto mo ring subukan ang pagzu-Zumba:

1. Slide Step

Ito ang magsisilbing warm-up bago isagawa ang mismong dance workout.

2. Body Wave

Ang body wave step ay makakatulong para sa pagpapasigla ng kasu-kasuan.

3. Side Lunges

Ang side lunges ay makakatulong sa pagpapatibay ng thigh muscles at mga braso ng isang tao.

4. Leg Curl

Ang step na ito ay makakatulong naman sa pagpapalakas ng hamstring muscles.

Upang mas maging malawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa dance workout na ito, panoorin ang kuwento ng ilang Zumba Nanays dito: