
Marami sa followers ng dalaga ang natuwa sa cover nila at ang iba ay may request pang kanta.
Kahapon (August 13) ay nag-post ng video si Gabbi Garcia ng dalawang cover songs, ang 'Closer' by The Chainsmokers at 'Middle' ng DJ SNake. Kasama niya sa video ang kapatid na si Alex kung saan ito ang siyang nagbibigay ng accompaniment sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara. Ang nasabing video post sa Facebook ay umabot na ng 576,000 views at patuloy pa na tumataas.
Today, August 14, muli na namang nag-post si Gabbi ng musical collaboration nilang magkapatid. This time, ang kanta ni Zia Quizon na 'Ako na lang' ang napili nilang i-cover.
Marami sa followers ng dalaga ang natuwa sa cover nila. Ang iba ay may request pang kanta.
MORE ON GABBI GARCIA:
Gabbi Garcia, overwhelmed by 'Playlist' performances feedback
Gabbi Garcia's Dangwa and Grazilda theme covers garner 20,000+ views in less than two days
LISTEN: Gabbi Garcia jams with sister Alex and does a mashup of songs "Closer" and "Middle"