GMA Logo Lito Atienza
Celebrity Life

Lito Atienza, nanawagan na 'Mahalin ninyo ang inyong mga anak, apo'

By Ron Lim
Published November 2, 2025 5:16 PM PHT
Updated November 2, 2025 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Father, 2 kin arrested over gang rape of daughter
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Lito Atienza


Nagbahagi ng kaniyang mga saloobin sa pagpanaw ng kaniyang apo na si Emman Atienza ang dating mayor ng Maynila na si Lito Atienza.

Patuloy na nagluluksa ang mga miyembro ng pamilya Atienza sa pagpanaw ni Emman Atienza, at isa sa pinakahuling nagbahagi ng kaniyang saloobin ukol dito ay ang dating Manila Mayor at lolo ni Emman na si Lito Atienza.

Sa isang Facebook Live na tumagal ng tatlong minuto, inamin niya na masakit ang nangyari sa kanilang pamilya, ngunit tinatanggap niya ito.

“Masakit po at tunay na nagbibigay dalamhati kung sino man ang makaranas nito. Subalit tinatanggap po natin na tayong lahat ay mayroong katapusan. Meron tayong simula at meron tayong hangganan,” saad niya.

Nagpasalamat din siya sa mga nag-alay ng dasal at mga mensahe ng pakikiramay sa kaniya at kaniyang pamilya.

“Their prayers and inspirational messages for me, somewhat made the whole load easier to carry on my shoulders. And to all of you, I'm very, very grateful. Maraming maraming salamat po,” saad niya.

Pinaalalahanan din niya ang mga tao na pahalagaaan ang kanilang mga anak, asawa, apo, at kaibigan.

“Mahalin ninyo ang inyong mga anak, ang inyong apo, ang inyong asawa, mga kaibigan,” saad niya.

Maliban kay Lito Atienza, nagbahagi rin ng kaniyang mga saloobin tungkol sa pagpanaw ng kaniyang anak si Kim Atienza. Sa isang panayam na ipapalabas mamaya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi niya ang iba't-ibang paraan kung paano hinaharap ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ni Emman.

“Malakas si Feli, Feli is a very strong woman. Ang way of coping ni Feli is very busy taking care of the details of the wake, sa pagligpit ng bahay. Galing kami sa LA ng ilang araw. That's what keeps her sane and keeps her not grieving too much,” saad niya. “Jose, siya 'yung tumulong sa LA. Siya yung lumalakad ng mga papeles doon. Doon na kasi nakatira sa America 'yun. Eliana is strong as well. I raised very strong kids.”

Panoorin ang parte ng interview kay Kim Atienza sa video sa baba.

Nagbahagi rin ng pasasalamat si Kim sa mga “messages of comfort” na ipinarating sa kanya pagkatapos ibalita ang pagpanaw ni Emman.

Ang kapatid naman ni Emman na si Eliana ay nag-post sa Instagram, kung saan isinulat niya na mami-miss niya ang kaniyang kapatid at ang kanilang plano “to co-create a better world”.

A post shared by Eliana (@elianahatienza)

Related gallery: Remembering Emman Atienza