GMA Logo emman atienza
Source: feliciaatienza (IG)
What's Hot

Lito Atienza praises late granddaughter Emman Atienza for being non-materialistic

By Jansen Ramos
Published November 5, 2025 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shuvee Etrata, Ashley Ortega, more Kapuso stars grace 'Timeless' runway show
'Tino'-hit houses along Negros Occ coasts reach over 50,000
Dingalan, Daet at Polangui, hinatiran ng tulong ng GMAKF; Virac, hahatiran din bukas | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

emman atienza


Binalikan ng dating Manila Mayor na si Lito Atienza ang hindi niya malilimutang alaala ng kanyang apo na si Emman Atienza, na nagpapatunay na naging mapagbigay ito sa kanyang kapwa.

Naging emosyonal ang dating Manila mayor na si Lito Atienza nang alalahanin niya ang kanyang yumaong apo na si Emman Atienza.

Sa huling lamay ni Emman noong Martes, November 4, pinuri ng dating alkalde ang kanyang apo dahil hindi ito naging mahilig sa luho.

Aniya, "Inaalis ko sa isipan ko si Emman kasi sa tuwing maaalala ko, sumasama ang loob ko. To give you an idea about this young lady who led a short but meaningful life, she has never been materialistic. I always try to give her money but she doesn't like money."

Binalikan din ni Lito ang hindi niya malilimutang alaala ni Emman, na nagpapatunay na naging mapagbigay sa kapwa ang kanyang apo.

Ayon sa ex-politician, nang makuha niya ang kanyang benepisyo mula sa gobyerno, binigyan niya ang lahat ng kanyang 22 apo ng tig-PhP 100,000 bilang Christmas gift. Imbes na ipunin o ipangbili ng gamit, ibinahagi ni Emman ang kanyang regalong natanggap sa kanilang house staff.

Paghanga ng nakatatandang Atienza sa kanyang namayapang apo, "Who will do that? Do you know anyone who will do that? I don't know anyone except Emman."

Nagpasalamat din si Lito sa mga nagmamahal at patuloy na nagdarasal para kay Emman.

Binawian ng buhay si Emman noong October 22, 2025 habang nasa Amerika. Siya ay 19 na taong gulang.

Sa inilabas na statement ng pamilya Atienza, nag-iwan sila ng mensahe para parangalan ang alaala ni Emman, na isang ring mental health advocate. "We hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life."

RELATED CONTENT: Young personalities gone too soon